Ikalabing-tatlong Dalai Lama ng Tibet
Thubten Gyatso | |
---|---|
Ikalabing-Tatlong Dalai Lama ng Tibet | |
Namuno | 1878-1933 |
Sinundan si | Trinley Gyatso, Ikalabindalawang Dalai Lama |
Sinundan ni | Tenzin Gyatso, Ikalabing-apat na Dalai Lama |
Pangalan sa Tibetano | ཐུབ་བསྟན་རྒྱ་མཚོ་ |
Wylie | thub bstan rgya mtsho |
Pagbigkas | tʰuptɛ̃ catsʰɔ (IPA) |
Baybay na Tsino Romano (PRC) |
Tubdain Gyaco |
TDHL | Thupten Gyatso/Thubten Gyatso |
Baybay na Tsino | 土燈嘉措 |
Pinyin | Tudeng Jiācuò |
Kapanganakan | 1876 |
Kamatayan | 1933 |
Si Thubten Gyatso (1876-1933) o Ngawang Lobsang Thupten Gyatso Jigdral Chokley Namgyal ay ang Ikalabing-tatlong Dalai Lama ng Tibet. Siya ang kasalukuyang pinuno ng Tibet noong panahon ng pananalakay ng Imperyo ng Britanya sa talampas noong 1903 at Dinastiyang Manchu ng Tsina noong 1910.
Sinasabing nang namatay si Thubten Gyatso, ang kanyang mga ulo ay pumahalang sa hilagang-kanluran sa bahaging Taktser (ngayon ay Qinghai) upang bigyan ng hudyat na doon isisilang ang kanyang reinkarnasyon (na kasalukuyang si Tenzin Gyatso). Matapos maitala ng mga lama ang propesiyang ito, humarap naman ang ulo sa silangan, bilang hula na mayroong darating na malakas na kapangyarihan mula sa direksiyong ito. Sinasabi rin na ilang taon pagkatapos ang paglibing sa Ikalabing-tatlong Dalai Lama at pagpapaaral sa kahalili nitong si Tenzin Gyatso, naghahanda na ang Tsina sa muling pananalakay sa Tibet. Kasabay rin nito ang pagpapahinto ng Pambansang Football ng Tibet kung saan ikinumpara ng mga lama ang bola bilang pagsipa sa ulo ng isang buddha, gayundin ang "pagluha" ng mga rebultong gargoyle sa mga monasteryo ng Tibet sa panahon ng tag-init.
Naglalaman ang artikulong ito ng mga tekstong Tsino. Kapag walang tamang suportang pampanitik, maari kang makakita ng mga tandang pananong, mga kahon, o ibang sagisag sa halip na mga karakter na Intsik. |
Naglalaman ang artikulong ito ng mga tekstong Tibetano. Kapag walang tamang suportang pampanitik, maari kang makakita ng mga tandang pananong, mga kahon, o ibang sagisag sa halip na mga karakter na Tibetano. |
Sinundan: Trinley Gyatso |
Ikalabing-tatlong Dalai Lama ng Tibet 1878-1933 |
Susunod: Tenzin Gyatso |